PatrolPH

ALAMIN: Motorcycle Crime Prevention Act pabor ba sa mga motorista?

ABS-CBN News

Posted at Mar 23 2019 06:44 PM

Watch more on iWantTFC

Naisabatas na noong nakaraang linggo ang panukala na nagmamandato na lagyan ng mas malalaking plaka ang mga motorsiklo. 

Kaakibat din ng Republic Act No. 11235 o Motorcycle Crime Prevention Act ang pagkakaroon ng color-coded na plaka. 

Sa ilalim nito, dapat makita ang plate number ng plaka mula 15 metro. 

Layon nito na padaliin na matunton ang mga kriminal na lulan ng mga motorsiklo.

Pero kinontra ang batas ng ilang motorcyle groups sapagkat maaari raw matanggal ang plaka at tumama sa ibang motorista at commuter.

Giit naman ni Atty. Claire Castro sa "Usapang de Campanilla" noong Biyernes, walang masama sa batas dahil para naman daw ito sa kaligtasan ng mga tao. 

"Parang okay naman magkaroon ng front plate kasi makikita mo na may front plate sila eh... Kung gagawa sila ng front plate ide-design ito ng readable pero hindi nakakadisgrasya," ani Castro. 

Pero iginiit niyang dapat hindi nakakadisgrasya ang ihinihirit na plaka ng mga awtoridad.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.