5 patay nang tumilapon mula sa tumaob na van sa NLEX

ABS-CBN News

Posted at Mar 23 2019 07:10 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Lima ang patay habang 10 ang sugatan nang gumulong at tumaob ang isang van sa northbound lane ng North Luzon Expressway (NLEX) viaduct sa may Apalit, Pampanga nitong Sabado.

Sakay ang 15 tao ng van papuntang Clark International Airport nang masira ang isa umano sa mga gulong ng van.

Nang sumabog ang gulong, nagpagulong-gulong ang van at ang siyam na sakay ay tumilapon at nahulog mula sa elavated na bahagi ng NLEX pababa sa isang residential area. 

Nasa 20 talampakan ang pinagbagsakan ng mga pasahero.

Ayon sa mga awtoridad, 13 sa mga pasahero ay mga overseas Filipino worker na papunta na sana sa Middle East.

Dinala agad ang mga biktima sa ospital at ngayo’y inaasikaso na ng mga doktor ang survivors. 

Iniimbestigahan pa ng Apalit police ang sanhi ng insidente. 

—Ulat ni Kevin Manalo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.