Maglakbay, magnilay sa Landas ni Hesus kasama ang DZMM

ABS-CBN News

Posted at Mar 23 2018 04:56 PM | Updated as of Feb 07 2020 12:59 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Ngayong Semana Santa, hatid ng DZMM TeleRadyo at DZMM 630 ang isang espiritwal na paglalakbay.

Dadalhin ng dokumentaryong 'Sa Landas ni Hesus' ang mga tagapanood at tagapakinig sa mga lugar na nababasa lamang sa banal na kasulatan at mga tala ng kasaysayan.

Ito ang kauna-unahang full-length documentary ng estasyon.

Mapapanood sa DZMM TeleRadyo at mapapakinggan sa DZMM 630 ang 'Sa Landas ni Hesus' alas-11 ng gabi, mula Lunes, Marso 26, hanggang Miyerkoles, Marso 28.

Nakatakda itong muling umere sa Marso 29, alas-4 ng hapon; Marso 30, alas-10:30 ng umaga; at sa Marso 31, alas-6:30 ng gabi.