4 na umano'y tulak ng droga, timbog sa Caloocan

Isay Reyes, ABS-CBN News

Posted at Mar 23 2018 02:25 PM

MANILA - Arestado ang 4 na umano'y tulak ng droga sa 2 magkahiwalay na buy bust operation na isinagawa sa Caloocan, Huwebes.

Nakuha mula sa live-in partners na sina "Boy" at "Jeca" ang 7 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P18,000.

Umamin ang mga suspek na sila ay gumagamit at nagtitinda ng ipinagbabawal na droga.

Samantala, timbog din ang isa pang magka-live in na sina "Alex" at "Joy" matapos matiyempuhan ng mga pulis.

Umamin ang suspek na si "Alex" na sila ay mga drug runners, at iginiit na sila ay napag-utusan lamang.

Dagdag ni "Alex," isang alyas "Jepoy" ang supplier nila ng droga.

Mahaharap ang 4 na suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.