Sachet ng shabu, nakuha sa pantalon ng magsasaka sa Ilocos Norte

Kim Lorenzo, ABS-CBN News

Posted at Mar 23 2017 04:04 PM

BANNA - Arestado ang isang magsasaka matapos itong makuhanan ng 5 sachet ng hinihinalang shabu sa kanyang bahay sa bayan ng Banna, Ilocos Norte Miyerkules.

Ikinulong si Reyden Aducal matapos makita ng mga pulis ang mga sachet ng hinihinalang shabu sa kanyang pantalon.

"Ang impormasyon talagang gumagamit pa rin siya," ani S/Insp. Artemio Clemente, hepe ng pulis sa Banna.

Nauna nang sumuko si Aducal noong 2016 dahil sa ilegal na droga pero lumalabas na patuloy pa rin siya sa paggamit ng droga.

Sasampahan si Aducal ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.