Lalaki at kinakasama, patay nang pagbabarilin sa loob ng bahay sa Caloocan

Ernie Manio, ABS-CBN News

Posted at Mar 24 2017 07:04 AM

MANILA - Nagkalat ang dugo sa sala ng bahay matapos pagbabarilin ang live-in partners sa Bagong Silang, Caloocan City kagabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Anacleto Dela Cruz at kinakasama nito na s Llizelle Chua.

Sabi ng mga nakakita, tatlong lalaki na nagpakilalang pulis ang tumira sa dalawa

Palaisipan naman sa mga kapitbahay ng dalawa kung sino ang maaaring gumawa nito sa kanila lalo't wala naman silang alam na kaaway ng mga ito.

Samantala, hinihintay pa ang pahayag ng PNP ukol sa pagpapkilala ng tatlong gunmen bilang mga pulis.