Babaeng pusher umano, arestado sa Batac City

Kim Lorenzo II, ABS-CBN News

Posted at Mar 24 2017 12:28 AM

Arestado ang umano'y drug pusher na si alyas "Madjo". PNP handout photo

BATAC CITY- Hawak na ng mga pulis sa Batac City ang isang tulak umano ng droga sa Ilocos Norte na si Marjorie Keith Riingen alyas Madjo, 24 anyos.

Ayon sa pulisya, matagal na nilang minamanmanan si Ringen.

Sa raid sa kaniyang tahanan sa Barangay Tabug, Batac City kaninang umaga, natyempuhan ng mga pulis si Riingen.

Narekober sa kanya ang ilang sachet ng hinihinalang shabu, at mga drug paraphernalia.

Si Riingen ay nasa drugs watchlist ng Batac pero hindi kabilang sa mahigit 400 drug surrenderer ng lungsod.

"Matagal na natin siyang tinetyempuhan dahil never itong sumuko at talamak pa rin ang pagbebenta at paggamit niya ng shabu," sabi ni Supt. Marlon Paiste, hepe ng PNP-Batac City.

Tumangging magbigay ng anumang pahayag ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.