Alvarez, itutuloy ang impeachment complaint laban kay Robredo

Robert Mano, ABS-CBN News

Posted at Mar 23 2017 05:27 PM

Vice President Leni Robredo and House Speaker Pantaleon Alvarez. Composite

Sa kabila ng pagkontra ng Pangulong Duterte sa nilulutong impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo, walang balak si House Speaker Pantaleon Alvarez na iatras ang impeachment complaint laban sa pangalawang pangulo. 

Ayon kay Alvarez, bagamat iginagalang nya ang opinyon ng Pangulo, mandato pa rin ng Kamara na magproseso ng impeachment complaint sa ilalim ng batas. 

Masusi pa rin daw na pinag-aaralan ang magiging impeachment complaint laban sa pangalawang pangulo dahil hindi lamang ito usapin ng numero pero kailangang maging mabigat ang basehan nito. 

Kasabay nito, tinawag pa ni Alvarez si Robredo na "makapal ang mukha." 

Unang beses anya na may opisyal ng gobyerno na may makapal ang mukha na nagpadala ng videoclip sa United Nations para lamang siraan ang buong bansa. 

Bagamat may freedom of speech aniya ang bise presidente, hindi ito nagbibigay ng exemption sa kanya na maging iresponsable sa mga pahayag tungkol sa Pilipinas. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.