PatrolPH

Gatchalian, inirekomendang ipasara ang POGO operations sa bansa

Robert Mano, ABS-CBN News

Posted at Mar 22 2023 09:29 PM | Updated as of Mar 24 2023 09:03 AM

Sen. Sherwin Gatchalian, chairman of the Senate Committee on Basic Education, accepts amendments to Senate Bill No. (SBN) 2485 or the Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) Act on January 26, 2022. Joseph Vidal, Senate PRIB handout/File.
Sen. Sherwin Gatchalian, chairman of the Senate Committee on Basic Education, accepts amendments to Senate Bill No. (SBN) 2485 or the Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) Act on January 26, 2022. Joseph Vidal, Senate PRIB handout/File.

MAYNILA -- Nanawagan si Senator Sherwin Gatchalian na agad ng ipatigil ang operasyon sa bansa ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO para mapanatili ang peace and order at patuloy na umunlad ang ekonomiya.

Sa kanyang privilege speech na ibinatay sa chairman’s report na inilabas ng Senate Committee on Ways and Means na siyang nagsagawa ng pagdinig, inirekomenda dito ang agarang pag adopt ng resolusyon na humihimok sa ehekutibo na i-ban ang POGO operations sa bansa.

“The Filipino people stand to lose more than they will gain from allowing POGOs to continue operating in the Philippines. In light of this, we recommend the permanent banning of offshore gaming operations in the Philippines," ani Gatchalian.

"Various government stakeholders such as the DOF have discussed the social costs of POGOs. Their continuing operations in our country pose a reputational risk that could dissuade foreign firms from investing in the Philippines, discourage foreign tourists from visiting our shores, and result in severe economic consequences for our country," dagdag nito.

"Kung ang Pilipinas ay patuloy nilang gagawing pugad ng kabi- kabilang krimen, walang duda na makakaapekto ito sa imahe ng ating bansa. Sino ba naman ang gaganahang mamuhunan sa isang bansa kung saan patuloy na umiiral ang kriminalidad tulad ng kidnap-for-ransom at human trafficking?"

Watch more News on iWantTFC

Hinimok din ni Gatchalian ang Kongreso na magpasa ng panukalang batas na maghihiwalay sa tungkulin ng Pagcor sa regulasyon at operasyon nito.

Kailangan anya na magkaroon ng bagong tanggapan na ang tungkulin lamang ay sa regulasyon lamang, authorization at pagli lisensya sa mga laro habang ang Pagcor ay magpapatuloy bilang gambling operator na lamang.

Hinimok din ni Gatchalian ang Department of Labor and Employment na magkaroon ng alternatibong mapapasukan ang mga Pinoy na nagtatrabaho sa POGO.

Ang Bureau of Internal Revenue, pinakikilos naman para kolektahin ang tax liabilities ng third party auditor ng Pagcor at POGO licenses.

Pinakakansela naman sa Bureau of Immigration ang working visa ng mga foreign nationals na nagtatrabaho sa POGO.

MULA SA ARCHIVES

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.