MAYNILA - Nasagip na ng awtoridad ang batang ibinenta ng kaniyang sariling ina matapos itong mabaon sa utang dahil sa "e-sabong".
Nasagip ng National Bureau of Investigation Human (NBI) Trafficking Division nitong Martes ang 9 na buwang sanggol na si baby "Miracle".
Nauna nang kumalat sa social media ang panawagan ng ina ni "Miracle" na umaming ibinenta niya ang anak para makakuha ng perang pambayad sa utang dahil sa kanyang pagkakalulong sa e-sabong.
Sa isang ulat ng news website na Balita, sinabi ng ina na umabot sa P50,000 ang una niya hinihingi para sa kanyang anak, pero nagkasundo sila ng kanyang katransaksyon sa Facebook sa halagang P45,000.
Nagkita ang dalawa sa Quezon City, kung saan naganap ang bentahan nitong Marso 3. Pero pag-uwi ng ina sa bahay, nagbago ang kanyang isip, kaya tinawagan niya ang kausap. Ngunit hindi na niya ito na-contact.
- ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News
RELATED VIDEO
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
e-sabong, online sabong, talpak, talpakan, online gambling, illegal gambling, NBI, Tagalog news