PatrolPH

Magkakapatid na biktima ng panggagahasa nasagip sa Zamboanga del Sur

ABS-CBN News

Posted at Mar 22 2021 01:50 PM | Updated as of Mar 22 2021 01:54 PM

Watch more on iWantTFC

Nailigtas ng mga awtoridad ang 4 na biktima ng panggagahasa ng kanilang ama sa bayan ng Mahayag, Zamboanga del Sur.

Ito’y matapos magsumbong sa mga awtoridad ang 20 anyos na anak sa ginawang panghahalay sa kaniya at sa 3 niyang menor de edad na kapatid ng kanilang 42 anyos na ama.

Nagtatrabaho umano sa malayong lugar ang kanilang ina.

Agad rumesponde ang mga awtoridad. 

Pero pagdating sa bahay, kumuha ng itak ang suspek at inatake ang isang sundalo. Kaya nabaril ang suspek at namatay.

Nasa pangangalaga na ng municipal social welfare and development office ang magkakapatid kasama ang kanilang ina.

– Ulat ni Dynah Diestro

FROM THE ARCHIVES:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.