PatrolPH

Lalaki patay matapos pagtatagain ng barangay tanod sa Capiz

ABS-CBN News

Posted at Mar 22 2021 12:15 PM

Patay ang isang lalaki matapos umanong pagtatagain ng isang barangay tanod sa bayan ng Tapaz, Capiz nitong Sabado.

Dati nang may hidwaan ang suspek at biktimang si Rey Babas Sr., 56, na isa sa tinitingnang motibo sa krimen, sabi ng Tapaz police.

Ayon sa imbestigasyon, pauwi na sana noong hapon ng Sabado si Babas sakay ng kaniyang motorsiklo nang harangin ng suspek at pagtatagain.

Naisugod pa sa ospital ang biktima pero dead on arrival na siya.

Patuloy namang tinutugis ng mga awtoridad ang nakatakas na suspek.

– Ulat ni Rolen Escaniel

FROM THE ARCHIVES:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.