Pantawid ng Pag-ibig: 6,000 food packs hatid sa COVID-19 frontliners, volunteers

ABS-CBN News

Posted at Mar 22 2020 07:21 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Patuloy na nadaragdagan ang mga tumutugon sa kampanyang "Pantawid ng Pag-ibig" ng ABS-CBN, na layong umagapay sa pangangailangan ng mga Pinoy sa gitna ng ipinatutupad na enhanced community quarantine sa Luzon dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
 
Nitong Linggo ay inihatid ang 6,000 food packs mula sa donor na Kenny Rogers Roasters. Ipinamahagi ito sa mga frontliner at volunteer na taga-Muntinlupa, Parañaque, Las Piñas, Marikina, at Quezon City.

"Isa ako sa nawalan ng trabaho ngayong crisis sa ating bansa. Maraming maraming salamat sa pagtulong ninyo sa mga nangangailangan," ani Aron Alfaro, isang volunteer. 

Bukod sa Kenny Rogers, marami pang ibang kompanya ang tumugon sa kampanya ng ABS-CBN, tulad ng mga sumusunod:

  • Century Pacific Food, Inc. 
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group, Inc
  • McDonald’s
  • Quick Chow Noodles
  • Mega Sardines
  • Nestle-Bear Brand
  • Great Taste 3 In 1
  • Sunsilk Shampoo
  • Safeguard
  • Hana Shampoo
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Generika Drugstore

Nanawagan pa ang ABS-CBN sa publiko para sa cash donations na maaaring i-deposit sa mga sumusunod na bank accounts:

ACCOUNT NAME: ABS-CBN LINGKOD KAPAMILYA FOUNDATION, INC — SAGIP KAPAMILYA 

  • BDO PESO ACCOUNT: 0039301-14199 (SWIFT CODE: BNORPHMM) 
  • BPI PESO ACCOUNT: 3051-11-55-88 (SWIFT CODE: BOPIPHMM)
  • METROBANK PESO ACCOUNT: 636-3-636-08808-1 (SWIFT CODE: MBTCPHMM)

Ang malilikom na pera ay gagamitin para ipambili ng pagkain at mga pangunahing pangangailangan ng mga nawalan ng kita at hindi makapaghanapbuhay dahil sa quarantine. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.