Marikina testing laboratory, hindi pa sertipikado: DOH

Jeff Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Mar 22 2020 09:32 PM | Updated as of Mar 22 2020 10:22 PM

MAYNILA - Wala pang sertipikasyon mula sa Department of Health ang sariling laboratory testing center ng Marikina City na gagamitin para sa early detection ng COVID-19 .

Ayon kay Heatlh Undersecretary Rosario Vergeire, kailangang matiyak muna na may angkop na healthcare workers ang lungsod. 

Dapat ring may ipinapatupad na biosafety measures sa laboratoryo o pasilidad.

Gayunpaman, nakipag-ugnayan na umano ang DOH sa lokal na pamahalaan ng Marikina. 

Magkakaroon din ng pagpupulong bukas upang maisaayos ang ibibigay na technical assistance ng DOH upang magamit na ang laboratoryo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.