2 timbog sa droga sa Quezon City

ABS-CBN News

Posted at Mar 22 2020 01:27 PM

MAYNILA — Nakumpiska ng mga awtoridad ang nasa P105,000 halaga ng hinihinalang shabu sa 2 suspek na naaresto sa Quezon City noong gabi ng Sabado.

Nangyari ang paghuli sa mga suspek -- na may edad 24 at 22 -- bandang alas-6 ng gabi sa Colonial Residences, Barangay Loyola Heights, ayon sa ulat mula sa Quezon City Police District (QCPD).

Nakatanggap ng ulat ang Anonas Police Station ukol sa pagnanakaw na nangyari sa naturang lugar, sabi ng pulisya.

Pero pagkarating doon ay nadatnan umano ang mga suspek na nag-aayos ng ilang sachet ng hinihinalang shabu.

Narekober sa mga suspek ang 8 sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 30 gramo, digital weighing scale, at 2 cellphone, ayon sa QCPD.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.