PatrolPH

2 Pinoy, positibo sa Covid 19 sa Brunei at India

Jeff Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Mar 22 2020 09:44 PM

MAYNILA - Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na ilang Pinoy ang nagpositibo sa Covid 19 sa Brunei Darussalam at sa India.

Ayon sa kagawaran, isang Pinoy ang naka-confine sa isang local health facility sa Brunei, gayunpaman, stable na ang kondisyon nito ayon sa Brunei Ministry of Health.

Naka-confine na rin sa isang hospital sa Mumbai, India ang isang Pinoy na nagpositibo rin sa virus.

Dumating a India ang Pinoy noong unang linggo ng Marso at dinala sa hospital matapos makaranas ng hirap sa paghinga.

Tiniyak naman ng mga embahada na patuloy ang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na awtoridad at nakahanda umanong magbigay ng kaukulang tulong upang matiyak na mabuti ang kondisyon ng dalawang nagpositibong Pinoy.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.