PatrolPH

2 Korean patay nang mahulog sa hotel sa Makati: PNP

ABS-CBN News

Posted at Mar 22 2019 04:48 PM | Updated as of Mar 23 2019 05:07 PM

(UPDATED) Dalawang lalaking Koreano ang nahulog umano sa tinutuluyang hotel sa Makati City nitong madaling araw ng Biyernes, ayon sa pulis.

Naka-check in ang dalawang lalaki sa isang hotel, ayon kay Police Col. Roger Simon, hepe ng Makati police.

Ayon sa paunang ulat ng Makati police, pasado alas-5:50 noong Biyernes ng umaga nang makarinig ng malakas na tunog ang mga pulis na rumoronda sa lugar.

Nang puntahan nila ang pinanggalingan ng tunog, nakita nila ang katawan ng dalawang Koreano na nakahandusay sa Makati Ave.

Hinihinalang mula sa kanilang tinutuluyang hotel nanggaling ang dalawang biktima, ayon sa pulisya.

Tinitingnan ngayon kung may foul play na naganap sa insidente. -- Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.