Negosyante, sugatan sa pamamaril sa Albuera, Leyte

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Mar 22 2018 04:42 PM

Binaril ang biktima sa loob ng kaniyang sasakyan sa harap ng municipal hall ng Albuera, Leyte nitong Huwebes ng umaga. Kuha ni Jong Almacin

Sugatan ang isang negosyante matapos pagbabarilin ng 2 hindi pa nakikilalang salarin sa harap ng municipal hall ng Albuera, Leyte Huwebes ng umaga.

Binaril ang biktimang si Mercy Villar Tudio habang nasa sasakyan bandang alas-8 ng umaga, ayon kay Senior Supt. Norberto Tuazon, director ng Leyte Police Provincial Office.

Patuloy na ginagamot sa isang ospital ang biktima.

Nakuha mula sa pinangyarihan ng krimen ang 3 basyo ng caliber .45 na baril.

Kasalukuyang tinutugis ang mga salarin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.