Mga labi ng batang sinunog ng sariling ama, inuwi na

Paul Palacio, ABS-CBN News

Posted at Mar 22 2018 10:15 PM

Nakatakdang ilibing ngayong Sabado ang bata.

DAVAO CITY - Inuwi na sa Malungon, Sarangani ang labi ng 3-anyos na batang babae na sinunog ng sariling ama sa Panacan, Davao City nitong Lunes ng gabi.

Agad inaresto si Randy Cadiente, 44, na nahaharap sa kasong parricide matapos mamatay sa ospital ang bata na hindi nakayanan ang tinamong 3rd degree burns sa katawan.

Ayon kay Mary Cris Orias, ina ng bata, maghahanap siya ng paraan para mabigyan ng hustisya ang sinapit ng kaniyang anak.

Aniya, hinding-hindi niya mapapatawad ang ama ng kaniyang anak.

Nakapiit na sa Sasa Police Station ang suspek at iginiit nito na aksidente ang pangyayari at hindi umano niyang magagawang patayin ang sariling anak.

Nakatakdang ilibing ngayong Sabado ang bata.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.