Mga magsasaka mula Bulacan, nagprotesta laban sa MRT 7

Robert Mano, ABS-CBN News

Posted at Mar 22 2017 05:13 PM

Nagprotesta sa harap ng Department of Transportation ang ilang magsasaka mula San Jose Del Monte, Bulacan para tutulan ang pagtatayo ng MRT 7. 

Ayon sa Alyansa ng Magbubukid sa Bulacan at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, apektado ang kanilang kabuhayan lalo't pinapatag na ang mga lupain sa Sitio San Isidro at Barangay Tungkong Mangga kung saan planong itayo ang control center ng MRT.

Giit nila, higit 1,000 magsasaka at pamilya nila ang apektado sa railway project dahil wala namang alternatibong trabaho na ibinibigay ang gobyerno. 

Inirereklamo din nila ang anila'y harassment at pagbabanta ng mga militar sa lugar at pag-aresto ng mga pulis sa mga kumokontra sa proyekto. 

Ang MRT 7 ay tatakbo mula San Jose Del Monte hanggang Quezon City. Inaasahang higit 300,000 na pasahero ang makikinabang dito araw-araw. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.