Bagong hepe na titiyak ng seguridad ni Duterte, itinalaga na

Dexter Ganibe, DZMM

Posted at Mar 22 2017 11:40 AM


May bagong hepe ang Presidential Security Group (PSG) na magbibigay seguridad kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa Presidential Family. 

Bukas nakatakdang i-turnover ni Brigadier General Rolando Bautista ang pamumuno sa PSG kay Col. Lope Dagoy na itinalaga ni Duterte epektibo kahapon, Marso 21.

Si Col. Dagoy ay kabilang sa Philippine Military Academy (PMA) Hinirang class of 1987. Isa rin siya sa mga naging senior military adviser ni Pangulong Duterte. 

Si Gen. Bautista naman ay itinalaga ni Pangulong Duterte bilang bagong commanding general ng 1st Infantry Division na nakabase sa Pagadian City, Zamboanga del Sur, kapalit ni General Gerardo Barrientos Jr. bilang pinuno 1st Infantry Battalion. 

Pangungunahan na ni Bautista ang pagtugis sa Abu Sayyaf Group at pagsugpo sa banta ng terorismo. 

Kasama na ni Pangulong Duterte sa kanyang biyahe sa Thailand si Col. Dagoy.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.