3 gun-for-hire, patay sa engkwentro

Ron Lopez, DZMM

Posted at Mar 22 2017 10:02 AM | Updated as of Mar 22 2017 11:17 AM

Dead on the spot ang 3 hinihinalang miyembro ng gun-for-hire gang matapos umanong manlaban sa mga pulis sa Barangay Piel sa Baliwag, Bulacan Miyerkules.

Kasama sa mga napatay ang lider ng grupo at target ng operasyon na si Randy Lopez, ayon kay Senior Supt. Edwin Quilates, regional chief ng police Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Central Luzon.

Nanlaban anya ang mga suspek nang isisilbi na sana ng CIDG ang search warrant na inilibas ng Bulacan Regional Trial Court laban kay Lopez dahil sa umano'y mga itinatagong armas.

Nakuha mula sa 3 ang isang kalibre .45 na baril, 2 kalibre .38 na revolver, at isang rifle 22.

Nagpapatuloy pa ang paghahalughog ng mga operatiba ng CIDG sa lugar. Dumating na rin ang Scene of the Crime Operatives upang iproseso ang crime scene.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.