TFC News

Spanish investors sinusuyo para mamuhunan sa Pilipinas

TFC News

Posted at Mar 21 2023 11:29 PM

MADRID - Patuloy ang panunuyo ng Pilipinas sa Spanish investors para mamuhunan sa bansa. Ito ang misyon ngayon ng Philippine Embassy sa Madrid nang magsanib pwersa ang embahada at PLDT group sa isang investment forum kamakailan sa pagitan ng Philippine government representatives, Spanish at Philippine businessmen.

2
Madrid PE photo
2
Madrid PE photo

Mismong si Philippine Ambassador Philippe J. Lhuillier ang nanguna kasama ang PLDT Group saPhilippines 2023: Economic Outlook and Opportunities investment forum na dinaluhan ng pangunahing Spanish companies.

3
Madrid PE photo     
3
Madrid PE photo

Pinagsama ng forum ang iba-ibang kinatawan ng government institutions, business leaders, at investors upang ibida ang economic at business potential ng Pilipinas.

Layon din ng forum na pagtagpuin ang hinahanap ng Spanish investors at ang mga patok na negosyo at industriyang maari nilang pasukin sa bansa. Ang mga nasabing kumpanya ay mga industry leaders sa infrastructure, energy, health, at transportation.

4
Madrid PE photo

Nagkaroon din ng pagkakataon maipakilala sa Spanish investors at business leaders ang major Philippine companies na nakiisa sa forum tulad ng Meralco (electricity distribution), Maynilad (water treatment and distribution), Light Rail Manila Corporation (transportation), Metro Pacific Toll Roads (toll and road), Metro Pacific Health (hospitals), at Philex Mining (mining).

“I am very excited to promote the Philippines as an investment destination for Spain, because truly, the Philippines is Spain’s natural business partner in Asia,” sabi ni Ambassador Lhuillier.

group shot
Madrid PE photo

Naniniwala ang Philippine Embassy sa Madrid na panahon na para makita ng Spanish investors ang Pilipinas bilang pangunahing investment destination sa Timog Silangang Asya. Sa ASEAN, pumapangalawa ngayon ang Pilipinas sa Vietnam sa kasiglahan ng ekonomiya, naungusan lang ng karatig bansa ng 0.1%.

Ngunit may malaking kalamangan ang Pilipinas kumpara sa ibang ASEAN countries. Una, may potensyal na 100 milyong consumer market ang bansa, na 60% ay mas bata pa sa trenta anyos.

Mayroon din ang Pilipinas na highly skilled workforce na magaling mag-Ingles na patunay na hinog na hinog na ang Pilipinas para sa manufacturing, distribution, at service outsourcing business investments.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Spain, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.