PatrolPH

Social security case laban sa UP prof, ibinasura na ng korte

Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

Posted at Mar 21 2023 09:18 PM

UP professor and former All UP Academic Employees Union president Dr. Melania Flores speaks during a press conference in Quezon City on February 7, 2023, a day after being arrested in her home within the UP Diliman campus. Flores narrated that she was arrested by the Quezon City Police Department under the guise of Department of Social Welfare and Development, for alleged violation on remittances to the Social Security System. Mark Demayo, ABS-CBN News

MAYNILA -- Masaya at balik na sa mga routine sa University of the Philippines si Professor Melania Flores matapos ibasura ng Quezon City Regional Trial Court Branch 230 ang kanyang social security case.

Sa Arraignment Order ni Presiding Judge Maria Gilda Loja-Pangilinan nitong Marso 17, nakasaad na "dismissed" ang kaso dahil sa Affidavit of Desistance ng private complainant.

Binawi ng SSS ang kaso matapos magsumite ng mga kinakailangang dokumento si Flores.

Kaugnay ng pag-dismiss sa kaso, inutos din ng korte na ibalik kay Flores ang P72,000 na ipinampiyansa niya.

Bagama't masaya, aminado ang propesor na doble pa rin ang kanyang pag-iingat matapos maranasang arestuhin ng mga pulis na nagpanggap na taga-Department of Social Welfare and Development.

Kapag nabawi na ang P72,000 na ipinampiyansa, plano ni Flores na ibalik ito sa mga tumulong o gamitin sa mga kampanya.

Pangunahing isinusulong ni Flores ang academic freedom. Naniniwala rin siya na isa ito sa dahilan kaya inaresto siya. Gayunman, tuloy pa rin aniya ang kanyang pagsulong ng malayang pagtuturo.

Pinatawad na rin naman umano ni Flores ang mga pulis na dumakip sa kanya, pero dapat umanong gawin nila ang tamang proseso ng pag-aresto alinsunod sa UP-PNP accord.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.