DILG kasama ang CIDG iprinisinta ang 84 assorted na baril na nakumpiska na pagmamay ari umano ng ilang Taiwanese. Nakilala na ang Taiwanese pero pinaghahanap pa rin sa ngayon. Zyann Ambrosio, ABS-CBN News.
MAYNILA - Iprinisinta nitong Martes sa isang press conference sa Camp Crame ni Department of Interior and Local Government Sec. Benhur Abalos ang nasa 84 na iba-ibang klaseng baril na na-recover sa isa umanong condominium sa Makati Lunes ng gabi.
Target ng operasyon ang Taiwanese na umano’y miyembro ng isang organized crime group pero hindi na umano ito naabutan sa nasabing condo.
"These Taiwanese fugitives are considered undocumented and their presence in the country is deemed as a security threat," ani Abalos.
Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Police BGen. Romeo Caramat, droga ang target nila sa pag-apply ng search warrant kaya nagulat sila sa dami ng baril na nakita sa loob ng condo unit.
"Itong search warrant namin kagabi hoping we will be recovering several kilos of shabu, pero sad to say ito yung bumulaga sa amin nung nag serve kami ng search warrant," aniya.
Pinaghahanap pa rin ang mga Taiwanese na sa kanilang impormasyon ay tumakas sa Taiwan noong taong 2006.
"I presumed they are here more than a year, we are monitoring them for several months already," ani Caramat.
Patuloy naman ang follow up operation ng CIDG para malaman ang kinaroroonan ng mga suspek na sangkot sa gun smuggling.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.