PatrolPH

2 mananaya napanalunan ang higit P33-M jackpot sa Super Lotto 6/49

ABS-CBN News

Posted at Mar 21 2023 11:07 PM

Isang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) authorized lotto outlet sa Sta. Mesa Manila. Jonathan Cellona, ABS-CBN News
Isang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) authorized lotto outlet sa Sta. Mesa Manila. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

MANILA — Dalawang maswerteng mananaya ang nakakuha sa higit P33 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes.

Ang winning combination ng nasabing palaro ay 12-29-35-34-13-08 para sa premyong P33,643,692.

Wala namang nakakuha ng tamang kombinasyon ng Ultra Lotto na 07-14-52-51-53-48. Nasa P49.5 milyon ang premyo.

Wala ding nakakuha ng tamang kombinasyon ng Lotto 6/42 na 03-02-13-19-23-24, para sa P19.9 milyong premyo.

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.