Pinakabagong travel guidelines mula Pilipinas patungong Singapore

TFC News Singapore

Posted at Mar 21 2022 05:20 PM

SINGAPORE – Inanunsiyo ng Embahada ng Pilipinas sa Singapore ang pinakahuling guidelines para sa mga biyaherong Pilipino patungong Singapore na magmumula sa PH. 

Basahin ang mga sumusunod na detalye mula sa PH Embassy sa SG para sa travellers: 

VACCINATION STATUS: 

  • Dapat fully vaccinated (o nakatanggap na ng full regimen ng WHO EUL Vaccine) nang hindi bababa sa 2 linggo bago lumapag sa Singapore  
  • Ang mga batang 12 taong gulang at pababa (i.e. mga ipanganak noong 2010 at pagkatapos) ay maaaring pumasok sa Singapore kung may kasamang fully-vaccinated VTL (Air) traveller 

Ang mga sumusunod ang mga tinatanggap na proof of vaccination: 

Kung nabakunahan sa Singapore: Vaccination Status mula sa TraceTogether App o HealthHub App o vax certificates mula sa Singapore Ministry of Health o MOH 

Kung nabakunahan sa Pilipinas: COVID-19 vax certificates mula sa PH Department of Health o DOH  

Bisitahin ang link na ito para sa alistahan ng tinatanggap na vaccination proof sa Singapore.

TRAVEL HISTORY: 

  • Ang biyahero ay dapat na nanggaling lamang sa Pilipinas o bumiyahe sa pamamagitan ng anumang VTL o Vaccinated Travel Lane (Air) countries/regions o mula sa Category 1 countries/regions, o di kaya nama’y mula sa Singapore sa pinakahuling 7 araw bagong lumapag sa Singapore 
  • Kailangang lumapag sa Singapore sa pamamagitan ng VTL (air) flight 

Paalala pa ng Embahada na hindi magagarantiyang VTL flights ang mga biyaheng magmumula sa Pilipinas, maging ito man ay mula sa mga aprubadong airlines, kaya mahalagang diretsong makipag-ugnayan ang mga biyahero sa mismong airline company para sa detalye. 

Kinakailangan ding may negatibong resulta ang pre-departure COVID-19 RT-PCR o professionally-administered Antigen Rapid Test o ART ng biyahero 2 araw o 48 oras bago ang biyahe patungong Singapore. At negatibong resulta ng unsupervised self-administered ART sa loob ng 24 oras paglapag sa Singapore. 

Kinakailangang isumite ng biyahero ang kanyang test results sa https://www.sync.gov.sg bago magsagawa ng anumang aktibidad sa bansa.

Para sa iba pang detalye, bisitahin ang Facebook page ng Embahada