PatrolPH

Sunog sumiklab sa pabrika ng bulak sa Quezon City

Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Mar 21 2022 11:10 PM

MANILA - Sumiklab ang sunog sa isang pabrika ng bulak sa P. Dela Cruz Street sa Barangay San Bartolome sa Quezon City nitong Lunes.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog na umabot sa unang alarma ng 7:26 p.m. at tuluyang naapula ng 8:38 p.m.

Sa pahayag ng ilang trabahador ng pabrika, sa ground floor ng gusali nagsimula ang apoy hanggang sa madamay na ang ilang katabing kuwarto kabilang ang waste disposal area.

Ang nasunog na pabrika ang gumagawa ng sikat na brand ng bulak na "Happy".

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente dahil agad ding pinalabas ang mga empleyado.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog at halaga ng mga ari-ariang tinupok ng apoy.

MULA SA ARKIBO 

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.