PatrolPH

San Agustin Church sa Maynila isinailalim sa lockdown

ABS-CBN News

Posted at Mar 21 2021 06:31 PM

San Agustin Church sa Maynila isinailalim sa lockdown 1
San Agustin Church sa Intramuros, Maynila. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File

MAYNILA — Isinailalim sa lockdown simula ngayong Linggo ang San Agustin Church sa Intramuros, Maynila.

Ito'y matapos pumanaw dahil sa COVID-19 ang pari na si Fr. Arnold Sta. Maria Cañoza.

Kasabay nito, humingi ng panalangin ang simbahan para sa yumaong pari.

Hindi naman binanggit kung kailan muli magbubukas ang simbahan.

Sususpendehin naman umano ng Diocese of Novaliches ang ilang religious activities para sa Semana Santa.

Ayon kay Vicar General Fr. Tony Labiao Jr., sa halip, ila-livestream lang ang mga aktibidad.

Sususpendehin din ang mga pagtitipon sa Palm Sunday maging ang pabasa, penitensiya at iba pang aktibidad.

Babalik lang ang on-site activities sa Easter Sunday pero 30 porsiyento lang ang papayagan sa loob ng simbahan.

Isasailalim naman sa lockdown ang mga simbahang sakop ng Diocese of Cubao simula Lunes, Marso 22, hanggang Abril 4.

Magbubukas ito sa Easter Monday pero mas hihigpitan ang safety protocols.

Hinikayat din nila ang mga mananampalataya na manatili na lang muna sa mga bahay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.