Presyo ng gasolina may malakihang rollback sa ika-2 linggo ng Luzon quarantine

ABS-CBN News

Posted at Mar 21 2020 03:00 PM

Matatapyasan muli ang presyo ng produktong petrolyo sa paparating na linggo - ang ikalawang linggo ng enhanced community quarantine sa Luzon - batay sa tantiya ng mga taga-industriya. 

Anila, nasa P4.59 kada litro ang ibinagsak na ng presyo ng gasolina. 

Nasa P2.33 naman ang ikinaltas sa kada litro ng imported diesel. 

Aabot sa P3.60 ang ibinawas naman sa kada litro ng imported kerosene. 

Ayon sa mga taga-industriya, ito ay dahil sa pagsadsad ng presyo ng petrolyo sa World Market. 

Inunahan na ng Phoenix Petroleup at Clean Fuel ang rollback. 

Umaga nang Sabado, nag-rollback na ng P3 kada litro sa gasolina at P2 sa diesel ang Phoenix.

Ganito rin ang bawas-presyo sa Clean Fuel na magsisimula bandang alas-4 ng hapon ng Linggo, Marso 22. 

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.