Bangkay na tadtad ng saksak, nakasilid sa sako natagpuan sa Tondo

ABS-CBN News

Posted at Mar 21 2020 01:36 PM

Pinaniniwalaang miyembro ng “Bahala na Gang” ang biktima. Photo courtesy: Manila Police District

MAYNILA - Isang bangkay ng lalaki na tadtad ng saksak at nakasilid sa sako ang natagpuan sa Harbour Point sa Tondo, Maynila gabi ng Biyernes.

Pinaniniwalaang miyembro ng “Bahala na gang” ang suspek, ayon sa police report ng Manila Police District.

Ayon sa report, naglalakad ang isang port worker sa Harbour Point nang makitang lumulutang ang isang asul na sako sa tubig.

Naghinala umano ito na may tao sa loob ng sako kaya agad niya itong pinagbigay-alam sa awtoridad.

Nang dumating ang pulisya, agad nilang kinuha ang nasabing sako. Dito na nakita ang bangkay.

Patuloy na iniimbestigahan ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.