1 kilong shabu natagpuan sa iniwang sasakyan

ABS-CBN News

Posted at Mar 21 2019 02:55 PM

Isang kilo ng hininalang shabu ang natagpuan sa isang abandonadong sasakyan sa Barangay Camachilihan, Bustos, Bulacan ngayong umaga. 

Ayon kay Bulacan Provincial Director Police Col. Chito Bersaluna, isang concerned citizen ang tumawag sa mga awtoridad hinggil sa abandonadong sasakyang kulay itim at may plakang XKP 622 na nakaparada sa Bypass Road. 

Nang buksan ang sasakyan tumambad sa awtoridad ang tinatayang nasa isang kilo ng hinihinalang shabu sa loob ng light green plastic container at may Chinese markings.

Ito'y halos kapareho ng itsura ng mga nakumpiska na shabu sa Alabang, Muntinlupa City, ayon kay Bersaluna. 

Inaalam na ngayon ng mga pulis kung sino ang may-ari ng sasakyan at kung may kaugnayan ito sa mga narekober sa Alabang. 

-- Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.