Trailer truck, sumalpok sa motor sa Caloocan; 1 patay

ABS-CBN News

Posted at Mar 21 2018 08:55 PM | Updated as of Feb 04 2020 04:58 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang kaniyang angkas matapos salpukin ng trailer truck ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Caloocan nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Dead on arrival sa ospital ang biktimang si Jomar Vasquez habang nadurog naman ang kaliwang binti ng kasama nitong si Ronel Reyes.

Pauwi sana sa trabaho ang dalawa, bandang ala-una ng madaling araw, nang bigla silang sumalpok sa isang trailer truck sa kanto ng 10th Avenue at A. De Jesus Street.

Sa halip na bumaba ang drayber ng trak at tulungan ang mga naaksidente ay unti-unti itong umandar hanggang sa makaalis sa pinangyarihan.

Pero nahuli din ng mga awtoridad ang drayber, na ngayo'y nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and serious injury.

-- Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.