Nasawi sa sunog sa Manila Pavilion, umakyat na sa 6

ABS-CBN News

Posted at Mar 21 2018 11:29 PM

Umakyat na sa anim ang bilang ng mga nasawi sa sunog sa Manila Pavilion hotel na sumiklab noong Linggo.

Ayon sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor), binawian na ng buhay alas-2:30 ng madaling araw Miyerkoles ang 28 anyos na si Jennilyn Figueroa.

Tatlong araw nang nasa kritikal na kondisyon si Figueroa bago masawi.
    
Anim na taong nagtatrabaho si Figueroa sa Manila Pavilion bilang internal security staff.

Tinatayang hindi bababa sa 20 ang sugatan sa sunog na nagsimula noong Linggo at tumagal ng isang buong araw bago tuluyang naapula.

Inatasan na ng Department of Justice ang National Bureau of Investigation na imbestigahan ang sanhi ng sunog at kung sinu-sino ang dapat managot dito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.