Nangangasiwa sa billboard na nagpalabas ng porno, nagpaliwanag

ABS-CBN News

Posted at Mar 21 2018 02:47 PM

Nagbigay na ng panig ang kompanyang nangangasiwa sa digital billboard na nagpalabas ng porno sa Makati nitong Martes, Marso 20.

Ayon sa opisyal na pahayag ng Globaltronics, maaaring isang "malicious attack" ang nangyaring insidente sa billboard ng Executive Building Center sa kanto ng Makati Avenue at Buendia.

Nakikipagtulungan na ang kompanya sa lokal na pamahalaan ng Makati City. 

Pansamantala na ring inihinto ang operasyon ng digital billboard.

"The company is fully cooperating with the city government in seeking justice for this malicious attack, not only to Globaltronics but possibly to all similar media platforms," saad ng pahayag ng kompanya.

Naghain na rin ang kompanya ng police report sa Philippine National Police Cybercrime division.

Nakikita rin ng kompanya na oportunidad ang insidente para makiisa sa laban kontra cybercrime.

"The company concurrently sees this case as an opportunity to commit itself and be at the forefront of the drive against cybercrime," dagdag ng pahayag.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.