Mga gamit na bote ng gamot, injection, itinapon sa sementeryo sa Negros Occidental

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Mar 21 2018 05:23 PM

MURCIA, Negros Occidental - Ilang plastic bag na naglalaman ng mga bote ng kemikal at mga injection ang nadiskubreng nakatambak sa isang sementeryo dito sa bayan, Miyerkoles.

Ayon sa caretaker ng sementeryo na si Crisanto Marquez, itinambak umano ng mga tauhan ng Municipal Health Office ang mga medical waste sa lugar dahil puno na ang underground tank kung saan regular na itinatapon ang mga basurang may kemikal.

Dagdag ni Marquez, hinihintay pa nila ang abiso ng Municipal Engineer's Office kung kailan magpapatayo ng panibagong istruktura na pagtatapunan ng mga basurang may kemikal.

Ayon sa lokal na pamahalaan, nakarating na sa kanila ang reklamo ukol sa di wastong pagtatapon sa loob ng sementeryo at nakatakda na nilang ipalinis ang mga basura.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.