Dump truck driver, sinaksak ng kapwa tsuper sa Ilocos Norte

Kim Lorenzo, ABS-CBN News

Posted at Mar 22 2017 12:13 AM

Nagtamo ng sugat si Rogelio Antonio matapos saksakin ng kapwa driver. Photo by Kim Lorenzo, ABS-CBN News

SOLSONA, Ilocos Norte — Desididong magsampa ng reklamo ang dump truck driver na si Rogelio Antonio matapos siyang saksakin ng kapwa driver na si Michael Mejia nitong Lunes, sa bayang ito.

Ayon sa imbestigasyon, magkahiwalay na nag-inuman sa iisang lugar ang dalawa nang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang biktima at ang kasama ng suspek hanggang umabot sa panananaksak.

"Sinuntok ng biktima iyong lalaking kainuman ng suspek at bigla na lang lumapit sa biktima ang suspek at sinaksak ito," ani Insp. Ralph Dayag, deputy chief ng PNP-Solsona.

Nagtamo ng sugat sa tagiliran ang biktima na nasa maayos nang kalagayan.

Haharap ng kasong frustrated homicide ang suspek na tumangging magbigay ng pahayag.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.