3 patay, 3 kritikal sa salpukan ng bus at kotse sa Albay

Karren Canon, ABS-CBN News

Posted at Mar 21 2017 03:47 PM

ALBAY - Tatlo ang patay habang tatlo rin ang nasa kritikal na kondisyon nang sumalpok ang isang kotse sa isang bus sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Camalig, Albay Lunes ng gabi.

Patay ang driver ng kotse na si Mary Jane Ayende, 35, ang ina niyang si Juliana Ayende, 63, at kanilang empleyado na si Joshua Milano.

Ayon sa mga awtoridad, nasa ospital ang 3 pang sakay ng kotse na pawang lubhang nasugatan ng mabasag ang windshield at mayupi ang unahang bahagi ng sasakyan ni Ayende.

Base sa inisyal na imbestigasyon, mabilis ang takbo at pagewang-gewang ang kotse bago ito bumangga sa kasalubong na bus.

Galing sa Camarines Sur and mga biktima at pauwi na sana sa kanilang bahay sa Legazpi City.