Kuha ng BOC
MAYNILA - Higit P400 milyong halaga ng shabu ang nasabat umano ng mga awtoridad sa isang warehouse sa Pasay City nitong Lunes.
Ayon sa Bureau of Customs, galing Guinea, Africa ang mga nakumpiskang kontrabando, na nadiskubre sa Pair Cargo Warehouse.
Nasa 58.93 kilo ang bigat ng ilegal na droga at may halagang P400,724,000, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Iniimbestigahan pa umano ng PDEA ang consignee ng kontrabando, at hinahanda na siya para sa inquest proceedings kaugnay ng mga kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act at Customs Modernization Act.
KAUGNAY NA ULAT
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.