PatrolPH

Kuya patay matapos tagain ng kapatid sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Mar 20 2022 11:50 AM | Updated as of Mar 20 2022 12:01 PM

BABALA: May nilalamang karahasan ang artikulong ito na maaaring gumambala sa mga sensitibong mambabasa.

Patay ang isang lalaki matapos umanong tagain sa leeg ng kaniyang nakababatang kapatid sa bayan ng Anilao, Iloilo nitong Sabado.

Isang 41 anyos na lalaking residente ng Barangay Palaypay sa Anilao ang biktima, ayon sa mga awtoridad.

Ayon sa imbestigasyon, nag-iinuman sa tindahan ang suspek kasama ang kaibigan nito nang biglang dumating ang biktima, na noo'y lasing.

Nagkaroon ng pagtatalo ang magkapatid at pinagbantaan umano ng biktima ang buhay ng suspek.

Dahil dito, naunang umuwi ang suspek para kumuha ng itak at inabangan ang kaniyang kuya, at saka pinagtataga, ayon sa pulisya.

Sinugod sa ospital ang biktima pero idineklara ring dead on arrival.

Sumuko naman sa mga awtoridad ang suspek.

Napag-alamang may dati nang alitan ang magkapatid, kung saan minartilyo umano ng biktima ang suspek sa mukha habang natutulog ito.

Hawak ng pulisya ang suspek at hinihintay pa ang desisyon ng pamilya ng biktima kung sasampahan pa siya ng kaso.

— Ulat ni Rolen Escaniel

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.