VIRAL: 5 lalaki ipinasok sa kulungan ng aso dahil umano sa paglabag sa curfew sa Laguna

ABS-CBN News

Posted at Mar 20 2020 09:31 PM | Updated as of Mar 20 2020 10:31 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Kumakalat ngayon sa Facebook ang larawan ng limang lalaking ipinasok sa kulungan ng aso dahil umano sa paglabag sa curfew sa bayan ng Sta. Cruz, Laguna sa gitna ng Luzon lockdown. 

Sa padala ng Bayan Patroller, makikitang siksikan ang mga lalaki - kung saan dalawa ay menor de edad - sa kulungan. 

Makikita rin ang isang lalaking nakatayo sa nasabing kulungan na kumpirmadong barangay captain, ayon sa alkalde ng Sta. Cruz na si Edgar San Luis. 

Giit ng isang barangay official, ayaw sumunod sa curfew ng mga lalaki at pinagmumura daw sila kaya dinisiplina ang mga ito. 
 
Nagsampa na rin ng kaso ang mga magulang ng mga batang ipinasok sa kulungan. 

Nagpadala na rin ng memorandum sa kapitan si San Luis bilang babala. 

Ipinapatupad ang mga curfew sa mga bayan sa Luzon matapos ipag-utos ang enhanced community quarantine, kung saan nililimitahan ang paglabas ng mga tao para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.