Magtataho namigay ng libreng almusal sa mga frontline workers sa Valenzuela

ABS-CBN News

Posted at Mar 20 2020 11:27 AM | Updated as of Mar 20 2020 11:56 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Isang maglalako ng taho ang namigay ng libreng almusal para sa mga frontline workers sa Mac Arthur Highway, Malanday, Valenzuela ngayong Biyernes.

Nag-aabang ang maninindang si Mang Boyong buhat ang kanyang kariton sa border ng Mecauayan-Valenzuela.

Dumayo pa ang tindero mula sa Bignay, Valenzuela upang mamahagi ng almusal na taho sa mga fronline workers.

Sa ilalim ng Luzon-wide community quarantine, ilang piling mga manggagawa pa rin katulad ng mga health worker at pulis ang tuloy pa rin sa serbisyo.

Isinailalim na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong bansa sa state of calamity para mapigilan ang pagkalat ng novel coronavirus.

Nitong Huwebes, umabot na sa 217 ang kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 17 na ang patay at 8 ang gumaling.-Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News