Kasal sa Bacolod City, sumunod sa social distancing

ABS-CBN News

Posted at Mar 20 2020 06:49 PM

Sa ilalim ng lilim ng puno sa parking lot ginawa ang kasal ng dalawang pares ng magkasintahan sa Bacolod City. Mitch Lipa, ABS-CBN News

Natuloy ang kasal ng dalawang pares ng magkasintahan sa Bacolod City sa kabila ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Pero imbes na sa loob, sa ilalim ng silong ng punong kahoy sa parking lot ng Hall of Justice ikinasal ni Judge Montano Medel ang magsing-irog na sina Joven Paul Pataray at Rae Janelle Palero at Marvin Yola at Leilyn Sanz. 

Sa seremonya, may social distancing na ipinaiiral kung saan isang metro ang layo ng bawat isa.

Walang holding hands at wala munang "kiss the bride."

Ayon kay Pataray, ayaw na nilang ipagpaliban pa ang kasal.

Paliwanag naman ni Judge Medel, nagdi-disinfect sa loob ng gusali kaya kinailangang sa labas isagawa ang kasalan.

Sa mga bagong kasal, ipagpapaliban na muna nila ang handaan dahil ipinagbabawal pa ang malalaking pagtitipon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.