60 katao lumabag sa curfew sa Parañaque; 2 tiklo

ABS-CBN News

Posted at Mar 20 2020 10:59 AM

Aabot sa 60 katao ang nahuling lumalabag sa curfew sa Barangay BF Homes, Parañaque City nitong Huwebes.

Dalawa naman sa mga nahuli ang timbog nang punitin ang tiket na ibigay sa kanila at pasimpleng umalis.

Ayon kay Barangay BF Homes chairman Paolo Marquez, dinala ang dalawa sa barangay hall para isyuhan ng tiket para sa kanilang paglabag sa lokal na ordinansa.

Bukod sa paglabag sa curfew, kakasuhan din ng resistance or disobedience to persons in authority ang dalawang lalaki na tumakas.

Isinailalim ang Pilipinas sa state of calamity kasabay ng Luzon-wide community quarantine bilang hakbang sa pagsugpo sa novel coronavirus.-Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.