PatrolPH

Empleyado ng gobyerno, arestado sa pagpapaputok ng baril

Dianne Dy, ABS-CBN News

Posted at Mar 20 2019 08:21 PM

CURRIMAO, Ilocos Norte - Arestado ang isang empleyado ng lokal na pamahalaan ng Badoc, Ilocos Norte matapos umano ito magpaputok ng baril Martes ng gabi.

Ayon kay Police Capt. Michael Permison, hepe ng Currimao police, may nakaaway ang suspek na empleyado ng isang inn sa bayan kaya ito nagpaputok ng baril.

Nakuha sa suspek ang kalibre .45 na baril at isang bala.

Naaresto rin ang kasama nitong dalawang babae.

Haharap sila sa reklamong illegal possession of firearms, alarms and scandal at paglabag sa election gun ban.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.