PatrolPH

Barangay kagawad patay sa engkuwentro sa Pampanga

Gracie Rutao, ABS-CBN News

Posted at Mar 20 2019 01:04 AM

APALIT, Pampanga--Patay ang isang kagawad ng Barangay Sucad sa bayang ito matapos makipagpalitan ng putok ng baril sa mga pulis Martes ng gabi.

Maghahain sana ng search warrant laban kay Noel Mamangon ang mga operatiba kaugnay ng kasong illegal possession of firearms and ammunition.

Ayon sa pulisya, isang drug personality at miyembro ng Aquino Criminal gang si Mamangon na sangkot sa gun-for-hire activities.

Nakuha mula sa kaniya ang 2 baril at sachet ng hinihinalang shabu.

Inaresto rin ang kapatid ni Mamangon matapos itong sumaklolo na may dalang kalibre .38 baril.

Nakuhanan din ito ng sachet ng hinihinalang shabu.

Isang barangay tanod sa kanilang lugar ang kapatid ni Mamangon na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.