PatrolPH

500 kilo ng 'hot meat' nasabat sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Mar 20 2019 03:18 PM | Updated as of Mar 20 2019 03:56 PM

Nakumpiska noong Martes ng National Meat Inspection Service (NMIS) sa Davao City ang nasa 500 kilo ng hot meat o karneng hindi umano dumaan sa inspeksiyon.

Nakuha ang mga karne sa delivery van na hinarang ng mga taga-NMIS. 

Galing sa Tagum at Panabo City ang mga karne na nagkakahalagang P150,000, ayon sa imbestigasyon.

Hinuli ang driver ng van dahil bigo siyang magpakita ng meat inspection certificate.

Hindi accredited ng NMIS ang slaughter house na pinaggalingan ng karne at hindi rin sila awtorisadong mag-deliver ng karne, ayon kay Sofronio Lago Jr., meat inspector sa NMIS-Davao.

Kapag nahuli ang may-ari ng karne, maaari siyang pagmultahin dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9296 o Meat Inspection Code of the Philippines.

Ibinigay naman sa Davao Crocodile Park ang karne para ipakain sa mga buwaya. -- Ulat ni Paul Palacio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.