3 sasakyan, nagkarambola sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Mar 20 2019 07:12 AM

Fred Cipres, ABS-CBN News

MAYNILA - Nagkarambola ang 3 sasakyan sa intersection ng Taft Avenue at UN Avenue sa Maynila Miyerkoles ng madaling-araw.

Nasaktan ang drayber ng SUV na kinilalang si Teresita Cabrera.

Kuwento ng drayber ng taxi na si Junaldo Suniega, binabaybay niya ang northbound lane ng Taft Avenue at patawid na ng UN Avenue nang biglang lumitaw ang SUV. Nagkabanggaan ang 2 sasakyan.

Natumbok naman ang taxi ng kasunod nitong closed delivery van na minamaneho ni Ronie Alperto.

Ayon kay Alperto, hindi umano gumagana ang traffic light sa naturang intersection.

Dinala sa pagamutan si Cabrera habang sa Manila Traffic naman ang diretso nina Suniega at Alperto. - Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.