PANOORIN: Pekeng pulis na tumangay ng cellphone, nabangga ng biktima

ABS-CBN News

Posted at Mar 20 2018 08:26 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Pinaghahanap ng Dasmariñas police ang isang lalaking nagpanggap na pulis at tumangay ng cellphone ng isang motorista.

Inireklamo ng motoristang si alyas "Johnny" nitong Martes sa mga awtoridad ang salarin na lumapit sa kaniya at nagpakilalang pulis habang siya'y nasa nakaparadang sasakyan.

"May hinahanap daw siyang suspect [sa] pangingidnap ng bata," kuwento ni Johnny.

Hiniram ng salarin ang cellphone ni Johnny. Nang makuha ang ito ay tumakas ang salarin lulan ng isang motorsiklo.

Humabol si Johnny at nabundol pa ng kaniyang sasakyan ang salarin.

Pero agad nakatakas ang salarin kahit tumilapon na sa kalsada.

Nakuhanan ng dash cam ng sasakyan ng biktima ang insidente. -- Ulat ni Raffy Santos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.