Construction worker, hinataw ng tubo at sinunog ng kainuman

Jude Torres, ABS-CBN News

Posted at Mar 20 2018 01:48 PM

Namatay ang construction worker na si Daniel Cuevas matapos na hatawin ng tubo at silaban pa ng kaniyang katrabaho sa Dumaguete City. Photo courtesy of Dumaguete City Police.


DUMAGUETE CITY – Patay ang isang construction worker matapos na hatawin ng tubo at sunugin pa ng katrabaho, Linggo ng gabi.

Ayon sa Dumaguete City Police, lasing si Daniel Cuevas nang biglang ginising nito ang natutulog na suspek na si Antonio Casas sa construction site sa Barangay Junob.

Nauna raw pinalo ng biktima ang suspek gamit ang tubo. Agad namang gumanti ang suspek at hinataw din ang biktima ng tubo saka sinilaban.

Walang ibang tao sa construction site nang maganap ang insidente at ang mga residente na ng lugar ang humingi ng tulong sa awtoridad.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima pero namatay din Lunes ng gabi.
 
Tumakas ang suspek pero sumuko rin kahapon.

Ayon sa suspek, nagkaroon na sila ng pagtatalo ng biktima may ilang buwan na ang nakalipas dahil umano sa paggamit ng ilegal na droga ni Cuevas sa construction site.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.